Buhay Amerika

BUHAY AMERIKA
ni John Dela Cruz
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at TOTOO!!!
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo , madami
kang utang , dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka , kase pag hindi ka umutang o wala kang utang , hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card , ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo , kapag hindi ka bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney , tricycle o padyak sa America …

Akala nila masarap ang buhay dito sa America .. Ang totoo , puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho , wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse , credit
card , ilaw , tubig , insurance , bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld , Six Flags , Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo , kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun , kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo , malaki pagpinalit mo ng peso , pero
dolyar din ang gastos mo sa America .  Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00 , sa
America $ 6.50 , ang upa mo sa bahay na P10 , 000 sa Pilipinas , sa America $1 , 000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin , alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America .. Lalo na mga nurses , mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo , kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America ….

Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo , yayaman ka na , kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap , gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan
Ang bottom line para sa akin ay
THERE’S NO PLACE LIKE HOME ,
PHILIPPINES MY PHILIPPINES ,
BABALIK KA RIN PAGTANDA MO AT DUON MO UUBUSIN ANG NATITIRA SA BUHAY MO SA ATING BANSANG SINILANGAN.

Pero pag retired ka na at dala mo dolyar mo sa Pilipinas mas maganda lalo kung palainum ka ng kape. Dun sa Pinas, voice activated ang coffee maker. Mag salita ka lang ng “Inday, kape nga dyan!” Lumalapit ang kape sa iyo at alam na alam pa nga timpla mo!

Anong masasabi mo kabayan….. …totoo di ba?

disclaimer: I just reposted this

About these ads

24 thoughts on “Buhay Amerika

  1. Annie says:

    Ang masasabi ko lang po ay di lahat ng nasa America ay ganito ang saloobin. Depende po yan sa sitwasyon, kung nag-migrate ka kasama ang buong pamilya mo, mga kapatid at magulang, disente ang trabaho mo (hindi lang nurse ang professional na trabaho dito) at marunong kang mag-value ng time, you’ll find peace of mind here. Hindi ko tinatalikuran ang bayang sinilangan ko pero hindi ko na kaya ang pamumulitika ng mga namumuno, ang dumi ng paligid, trapik at ang kabi-kabilang krimen. Salamat sa mga magulang namin na nagsakripisyo upang mabigyan kami ng pagkakataong tumira dito, kung saan nakikita mo ang bunga ng pinaghirapan mo. Oo kelangan mo ng kotse at tahanan pero kung ang bibilhin mo ay yung sapat sa kinikita mo di mo kailangang manlumo sa utang. Yun lang po, salamat.

    • helen says:

      Yes! this is true…. it really depends on who you are or how you manage your money or time…if you are one of those who spend more than what you earned then, it is a big problem….but if you be more responsible and careful, hey!! you’ll enjoy your life….I believe that we have to look @ the bright side each day and ignore the dark or negative side..There’s always time to work, play, rest and worship God… Find time and you can…..take care everyone…

    • My family lived in America for 6 years…di kami naging masaya..there’s no place like home..nawawala na ang.family values..just a simple realiation..pag tumanda ka sa America..sa carehome lang ang bagsak mo..kahit pa mababait ang mga anak mo..everybody is working..di ka pwedeng alagaan unless may mag resign sa mga relatives mo and take care of you..RETIREMENT..the truth is ang pension mo ay nakalaan na para pambayad ng caregiver mo..dito sa Pilipinas..mga kamaganak or katulong aalagaan ka..bayaran mo lang OK na..this is the reality..now?gusto mo ba tumanda sa America?

  2. mary says:

    oo nga madami din dito di na kilala ang mga kamag anak,,,,kung kailan nagka america di na magkakilala pag dating dito ,kanya-kanya nang buhay sikap nawala na ang dating magkakilala.tapos di na kilala ang ginamos ug buwad puro american food na sa mga sikat na restaurant at sikat na lugar like Las Vegas,San Francisco etc…ang totoong masayang namumuhay dito sa america ay ang namuhay ng simpli pa rin at walang sinasagasa-ang tao.

  3. Hoky says:

    hahaha marami kang sat2x…anong gusto mo mag upo ka na lang at ibigay sayo lahat diyan ng libre…buti ka pa diyan marami ka makukuhang trabaho kung hindi ka lang choosy…dito sa Pinas pareho din ang sitwasyon kayod ng kayod pero hindi kagaya privilage diyan sa USA…dito may age limit ang trabaho…kaya magpasalamat ka nalang diyan na mayroon kang trabaho at may pera ka…mayroon kang ma i share sa pamilya mo…kung d ka gustong magbigay huwag ka magbigay para d sumakit yang kalooban mo…ang hambog mo naman

  4. mie ana says:

    tama….kase akala nila madali ang buhay abroad….ako nga ngayon ko lng nalaman na mahirap pala talaga..
    dati pag fren ko umuwi galing japan..sasabihin ko agad sa kanya sa fb na fren pasalubong ha….yun pala pag ako na yung cnabihan na an pasalubong ha..parang nakakinis…bakit naghirap ba kau dito…

    ganun lang talaga cguro….sakripisyo…ipon…

  5. balkak says:

    bakit sa pilipinas ba pinupulot mo ang pera ang bottom line juan tamad ka kahit saan ka pumunta juan dela cruz kailangan mong mag trabaho para magkaroon ka ng pera hindi ka naman anak ng senador sa pinas na binibigyan ng million billion na galing sa tax, buti ka nga nasubukan mong umutang ng bahay, car at pumunta sa disneyland sa pinas kung hindi ka politician wala ka nyan mamatay ka na lang sa pangarap, kaya ka binigyan ng dyos ng kamay,paa,utak,mata etc.. para kumita at gumanda ang buhay at hindi magreklamo.. cguro tinanggal ka ng boss mo ksi tamad ka kaya bitter ka lol… peace bro.

  6. Rufino Bolivar says:

    Hindi naman lahat me ganitong experience sa US. Dedepende yun sa isang ofw on how he/she manages his/her own resources. Sa pagkakaalam ko kung magtiyaga at magsumikap jan…aasenso ka…oo lahat may bayad, meron kang tax,health insrance, car loan, food andd accomodation pero nasa pagbudget naman po yun…hindi naman cguro malaki pa ang utang mo sa monthly salary mo…just live a simple life and live below your means…daming oportunity sa US kung magaling ka lang magdiskarte at tsaka pwede kang mag extra job or overtime jan..dagdag income pa rin yun, nasa attitude po ng tao yun kabayan. Kahit saang bansa ka pupunta, kung gusto mo mag asenso dapat financially literate ka..

  7. Belle says:

    Jesus is whom you need, because in Him there is contentment, peace,rest, happiness, love and you will always be thankful of what you have. Think that there are worst situation in some other part of the world that people are enduring right now, while we,on the other hands were just enjoying the fruit of our labor. Just be content and thankful of what you have, don’t shatter dreams of other people, because you are responsible to your own destiny anyway.

  8. Rolando Galman says:

    The author is putting a lot of colors about the life in the US. Even in the Philippines, you still have to work your ass to survive. Having a “katulong” is promoting slavery and unfair labor practice? Who pays the househelps fairly? Barely no one. So saying that “voice-activated coffee fix” bullshit is very demeaning and degrading to hardworking Filipino women who chose not be a social burden like you who lives in a Juan Tamad culture. Yes, it’s true that if you bring your retirement dollars to the Phils, you will live like a king. Wait until you get sick and the hospital bills will lick dry your funds including your rainy day account, and you will stink like shit.

    Let’s admit it. Our country sucks and hope is vague in the next 50 years at least. We only live once and “better” life is not something every Filo can have if you are not a filthy rich politician like Jinggoy and Bong Revilla, a talentless good looking movie actor or a born-rich fella.

    Therefore, life in America is everyone’s dream.

  9. T. 100 says:

    …e kahit saan naman ay kelangan magtrabaho para may makain at pambayad sa mga bills e. kung gastador ka talaga ay tiyak kulang ang sweldo mo. yung linyang ‘live below your means’ ay swak na swak sa kahit ano pang parte ng mundo ka nag ta-trabaho.

    • honesto says:

      I LOVE THE PHILIPPINES and I will forever be proud to be a pinay. I do, however, accept the fact that America has provided me a better future. Dito, hindi lang politician o anak mayaman ang mga umaasenso. minsan kahit hindi ka nakapag-college, may chance ka pa ring yumaman basta masikap ka lang magtrabaho. Sa Pilipinas ba possible yan? I think not. Honestly, I prefer a non-voice activated coffee maker. I don’t like the thought of enslaving people. The life you’ve described is the life of people who are either lazy or materialistic. Bottom line, as long as you’re willing to work hard and live within your means, everyone has the
      opportunity of becoming rich in America and that is something that will NEVER be possible in the Philippines.

      • I am a US immigrant who decided to come back.yes, I believe in American dream…just like everybody else I also dreamt of living there..just wait until you live there for a couple of months and find out for yourself..the fun is here..Money alone will not make you happy…after a period of discernment..we decided to come back home..where we can live a simple…no credit whatsoever..Always remember that in the US..PEOPLE LIVE TO WORK..while us in the Philippines PEOPLE WORK TO LIVE..so where do you want to live now?

  10. catalina says:

    Yan ang buong katotohanan sa buhay america.ibang sitwasyon daw sabi ng iilan dyan. ipokreta/ipokreto ang karamihan atin. ibig kong sabihin in general tama parin ang sinabi ni John De La Crus whoever he is I salute you for being so truthful.

  11. Ellen says:

    I love my native land, the Philippines! and I’m very proud to be a pinay! But my life here in America is 110 % better than my life in the Philippines. Nakapag-aral ako ng nursing dito sa Amerika by working very hard and student loan. I’ve been a nurse for 9 years, student loan paid off, bought a small house in a desirable area, and able to help my family in Pinas financially. Pag dyan Lang ako sa Pinas, I can’t live a life to the fullest. I live simple and able to save for the rainy days. Yong sinasabi sa Author, totoong buhay yan sa mga taong walang motivation, materialistic and spend over their means.

  12. Rola says:

    Sa halos lahat ng sinabi mo, sang-ayon ako. I know na ang gusto mo lang iparating sa mga kababayan natin na may ganitong sitwasyon na nangyayari kapag nasa abroad, kaya sana maintindihan naman ng mga nasa Pilipinas na hindi ganoon kadaling magpadala ng pera. May mga masasaya na nasa abroad mayroon ding nalulungkot so siguro ang pinakamaitutulong sana naman ng mga kamag-anak na nasa Pilipinas kahit emotional support man lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s