ngiti sa pelikula

kanina, habang wala akong ginagawa sa computer nakalikot ko yung internet. wala ako sa mood nun magaral o ano man’. kaya ginawa ko nagyoutube nalang ako.

habang kausap ko si Jr, naghahanap ako ng magandang mapanood. naisip ko na, “what if panoorin ko yung BMW films?” “okay ata yun”.. tapos sinabi ko ngayon sa kanya na manood narin siya nito. noon pala may collection na siya nitong mga ito sa kanyang computer. tapos nasabi ko kay Jr kung napanood na ba niya mga gawang CSB? mga short films? tapos nun. Naghanap narin ako para ipakita sa kanya. Nakita ko itong gawa ng isang taga CSB. ang kanyang username ay BackdoorProductions. [alam mo na kaagad na taga CSB siya sa kanyang username]. agad kong pinanood yung unang lumitaw na bidyo. title niya sulyap.

sa loob loob ko habang pinapanood ko.. “ang corny, hindi man lang edited ng mabuti yung music” [dahil sa paulit ulit nitong instrumentals] noong natapos ko ang panonood, natulala ako. tanging nasabi ko lang ay…”wow, ang galing, ang ganda”

sa buhay, asa huli ang pagsisisi. ngunit hindi ko naman sinabing nagsisisi ako bakit Information System ang kinuha ko hindi nalang film making o multimedia arts. marami ngang nagsasabi at pumupuna sa aking karunungan sa sining at musika. ngunit, saan  naman ang tapon ko nun pagkagraduate diba? oo na pera na asa isip ko. hindi naman kasi kami may kaya katulad ng iba upang magaral ng sining at musika. importante ang pagaaral ko ngayon dahil ito na ang magtatawid sa aking pamilya at magiging pamilya sa gutom.

pero mabalik tayo, noong napanood ko. parehas kami ng commento ni JR. wow talaga. kaya ngayon nagiisip ako magtry kahit isang beses ay pumunta ako sa isa kung kinahihibangan gawin, at yun ay ang film making.  Minsan talaga nasagi sa utak ko, gusto ko gumawa ng pelikula. Hindi ko pa rin kasi alam ang proceso nito. Ngunit gusto ko. Nangangarap na magkaroon ng isang Indibidwal na pelikula na pagbibidahan ng aking mga kaibigan. Minsan gusto ko yumabong ang aking imahinasyon pagdating sa sining ng pagpepelikula, pag arte o hindi kaya’y drama. Gusto ko talaga. Kaya ngayon mismo’y nagpaplano na kami ni Jr na gumawa ng isang produksyon na tatampukan ng aming barkada. isang pelikulang aantig sa puso ng mga tao tulad ng maikling pelikulang aming napanood ngayon umaga.

iba talaga ang dating ng pelikula sa amin. nakuha niya ang aking emosyon at kiliti. biruin mo yun? nakuha niya. sabagay madali lang naman ako pasayahin. magaling kung sino ka man na gumawa nito.

try niyo rin panoorin upang kayo rin ay kiligin [ata].

salamat sa pagbasa. magandang umaga.

2 thoughts on “ngiti sa pelikula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s