bakit bluestella? [tagalog version]

oonga naman seph, bakit nga ba bluestella ang tawag sa iyo? saan mo napulot ang pangalang iyon? marahil madami ng nagtatanong at namamangha bakit ganon ang pangalan/pen name/web name mo.

storya

ganito kasi yan. noong ako’y nasa highschool pa lamang nagkaroon ako ng inspirasyon. at sa araw araw namin magkausap nagkakadevelopan kami. nalaman namin na may parehas pala kaming kinahihiligan, at yun ay ang kagustuhan sa mga tala sa langit hindi naglaon at nagumpisa ang tawagan. Ang tawag ko sa kanya noon ay star. ang aming pagkakaibigan ay yumabong hanggang sa pinutol niya ito sa isang mensahe na ang wika “you love me but you don’t know who i am so let me go just let me go, gets?” kaya naputol ang aming pagkakaibigan at ang aking pagmamahal sa kanya.

sa tatlong taon na iyon minahal ko siya, at hanggang ngayon hindi ko parin masabi kung mahal ko pa ba siya o hindi na. Ang tanging alam ko, dumadaan ang araw at oras na naaalala ko siya dahil sa mga puntos na naiwan niya sa akin. isa na rito ay ang tala. Marami sa atin siguro ay gusto rin ang mga tala sa kalangitan. nagsisimbolo ito ng hope. Maraming nagtatanong paano na kung bumalik siya at magkasama kami muli, tatanggapin ko parin ba siya? ang sagot oo. tatangapin ko siya. minahal ko. mahal ko parin kahit paano yung tao.

kalahatan

bakit bluestella? kasi  blue ang aking unang paboritong kulay. sumisimbolo ito ng kalangitan. kapayapaan para sa akin ang kulay na ito. madali mong makita ang kulay bughaw. madaling paki bagayan. stella italian word ito ng star.

noong ako’y nagiisip kung anong magandang ipangalan sa aking unang account [multiply] yun ang pumasok sa aking isip. bluestella. obsessed na obsessed ako sa kanya noon kaya siguro ganon. pinaghalo ko ang gusto ko at gusto niya. Una, pen name ko tkdaddict. pero naisip ko addict nga ba ako sa taekwondo para ganon? kaya nung naisip ko ang bluestella. sabi ko. okay siyang pangalan. bagay na bagay sa akin. at yun na ang simula ng pagusbong ng pangalang bluestella.

Extra

marahil marami na ang gumagaya sa pangalan ko. mayroon akong nakitang lumabas na site may pangalang bluestella.com at bluestella.net. Naunahan na akong makakuha ng domain name na ganon. ngunit hindi na nila ako mauunahan sa mga social networking sites na pinapasok ko at ako na ang nagmmay-ari ng  halos lahat ng bluestella na username sa buong world wide web.

sana ay naging malinaw kung bakit ako ngayon bluestella. hindi dahil kung ano na lamang bakit bluestella kundi mayroon itong storya sa loob ng letra

One thought on “bakit bluestella? [tagalog version]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s