Buhay Amerika

BUHAY AMERIKA
ni John Dela Cruz
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at TOTOO!!!
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo , madami
kang utang , dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka , kase pag hindi ka umutang o wala kang utang , hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card , ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo , kapag hindi ka bumili ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney , tricycle o padyak sa America …

Akala nila masarap ang buhay dito sa America .. Ang totoo , puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho , wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse , credit
card , ilaw , tubig , insurance , bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld , Six Flags , Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo , kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun , kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo , malaki pagpinalit mo ng peso , pero
dolyar din ang gastos mo sa America .  Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00 , sa
America $ 6.50 , ang upa mo sa bahay na P10 , 000 sa Pilipinas , sa America $1 , 000++.

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin , alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America .. Lalo na mga nurses , mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo , kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America ….

Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo , yayaman ka na , kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap , gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan
Ang bottom line para sa akin ay
THERE’S NO PLACE LIKE HOME ,
PHILIPPINES MY PHILIPPINES ,
BABALIK KA RIN PAGTANDA MO AT DUON MO UUBUSIN ANG NATITIRA SA BUHAY MO SA ATING BANSANG SINILANGAN.

Pero pag retired ka na at dala mo dolyar mo sa Pilipinas mas maganda lalo kung palainum ka ng kape. Dun sa Pinas, voice activated ang coffee maker. Mag salita ka lang ng “Inday, kape nga dyan!” Lumalapit ang kape sa iyo at alam na alam pa nga timpla mo!

Anong masasabi mo kabayan….. …totoo di ba?

disclaimer: I just reposted this

58 thoughts on “Buhay Amerika

  1. Annie says:

    Ang masasabi ko lang po ay di lahat ng nasa America ay ganito ang saloobin. Depende po yan sa sitwasyon, kung nag-migrate ka kasama ang buong pamilya mo, mga kapatid at magulang, disente ang trabaho mo (hindi lang nurse ang professional na trabaho dito) at marunong kang mag-value ng time, you’ll find peace of mind here. Hindi ko tinatalikuran ang bayang sinilangan ko pero hindi ko na kaya ang pamumulitika ng mga namumuno, ang dumi ng paligid, trapik at ang kabi-kabilang krimen. Salamat sa mga magulang namin na nagsakripisyo upang mabigyan kami ng pagkakataong tumira dito, kung saan nakikita mo ang bunga ng pinaghirapan mo. Oo kelangan mo ng kotse at tahanan pero kung ang bibilhin mo ay yung sapat sa kinikita mo di mo kailangang manlumo sa utang. Yun lang po, salamat.

    • helen says:

      Yes! this is true…. it really depends on who you are or how you manage your money or time…if you are one of those who spend more than what you earned then, it is a big problem….but if you be more responsible and careful, hey!! you’ll enjoy your life….I believe that we have to look @ the bright side each day and ignore the dark or negative side..There’s always time to work, play, rest and worship God… Find time and you can…..take care everyone…

    • My family lived in America for 6 years…di kami naging masaya..there’s no place like home..nawawala na ang.family values..just a simple realiation..pag tumanda ka sa America..sa carehome lang ang bagsak mo..kahit pa mababait ang mga anak mo..everybody is working..di ka pwedeng alagaan unless may mag resign sa mga relatives mo and take care of you..RETIREMENT..the truth is ang pension mo ay nakalaan na para pambayad ng caregiver mo..dito sa Pilipinas..mga kamaganak or katulong aalagaan ka..bayaran mo lang OK na..this is the reality..now?gusto mo ba tumanda sa America?

      • Sa Pilipinas mapipilitang alagaan ang mga matatanda ng kanilang anak sa yaw o husto nila dahil walang programa para sa mga matatanda sa Pilipinas. Okey aalagaan ka nga ng iyong mga anak, pero qualified ba silang mag-alaga ng mga matatanda? may kaukulang training ba sila? Sa amerika sa home for the aged ka nga pero you are professinally taken cared of. Tingnan mo na lang ang mga pension ng mga retired sa Pilipinas, kulang pang pambili ng gamot!!

    • Denise says:

      Tama! Hindi lahat ng nasa America eh ganyan ang buhay. Sa awa ng Diyos, bayad na ang aming bahay at sa ngayon eh wala kaming binabayaran na sasakyan. Ang bahay namin eh nabayaran namin ng 9 years lang dahil nabubuhay kami ng kung ano ang kaya namin. Nagbabakasyon kami every year, twice a year na walang utang dahil we live within our means. Kahit hindi kalakihan ang aming bahay eh sarili na namin, wala kaming utang. Sure, my husband and I work hard because we want our kids to have the opportunity to go to college someday. We live life to the fullest… we work hard but we play harder!

    • Virgil says:

      In every country, there are lucky rich people and the unlucky pay check to pay check besides the no check people…I’m glad there many rich successful Filipino origin in America.

  2. mary says:

    oo nga madami din dito di na kilala ang mga kamag anak,,,,kung kailan nagka america di na magkakilala pag dating dito ,kanya-kanya nang buhay sikap nawala na ang dating magkakilala.tapos di na kilala ang ginamos ug buwad puro american food na sa mga sikat na restaurant at sikat na lugar like Las Vegas,San Francisco etc…ang totoong masayang namumuhay dito sa america ay ang namuhay ng simpli pa rin at walang sinasagasa-ang tao.

  3. Hoky says:

    hahaha marami kang sat2x…anong gusto mo mag upo ka na lang at ibigay sayo lahat diyan ng libre…buti ka pa diyan marami ka makukuhang trabaho kung hindi ka lang choosy…dito sa Pinas pareho din ang sitwasyon kayod ng kayod pero hindi kagaya privilage diyan sa USA…dito may age limit ang trabaho…kaya magpasalamat ka nalang diyan na mayroon kang trabaho at may pera ka…mayroon kang ma i share sa pamilya mo…kung d ka gustong magbigay huwag ka magbigay para d sumakit yang kalooban mo…ang hambog mo naman

    • Leah says:

      korek ka dyan sa sinabi mo. Polisopo ang nagsulat nito i bet andito rin yan sa amerika at ayaw umuwi ng pinas. lol

  4. mie ana says:

    tama….kase akala nila madali ang buhay abroad….ako nga ngayon ko lng nalaman na mahirap pala talaga..
    dati pag fren ko umuwi galing japan..sasabihin ko agad sa kanya sa fb na fren pasalubong ha….yun pala pag ako na yung cnabihan na an pasalubong ha..parang nakakinis…bakit naghirap ba kau dito…

    ganun lang talaga cguro….sakripisyo…ipon…

  5. balkak says:

    bakit sa pilipinas ba pinupulot mo ang pera ang bottom line juan tamad ka kahit saan ka pumunta juan dela cruz kailangan mong mag trabaho para magkaroon ka ng pera hindi ka naman anak ng senador sa pinas na binibigyan ng million billion na galing sa tax, buti ka nga nasubukan mong umutang ng bahay, car at pumunta sa disneyland sa pinas kung hindi ka politician wala ka nyan mamatay ka na lang sa pangarap, kaya ka binigyan ng dyos ng kamay,paa,utak,mata etc.. para kumita at gumanda ang buhay at hindi magreklamo.. cguro tinanggal ka ng boss mo ksi tamad ka kaya bitter ka lol… peace bro.

    • Leah says:

      korek ka rin ang daming nyan satsat parang napaka bitter ng nagsulat nito. At least dito madaling umutang kahit wala kang trabaho may credit card offer ka san ka pa. lol
      Sa pinas bago ka magka credit card kung anu anu pang hahanapin sayong papeles mo

  6. Rufino Bolivar says:

    Hindi naman lahat me ganitong experience sa US. Dedepende yun sa isang ofw on how he/she manages his/her own resources. Sa pagkakaalam ko kung magtiyaga at magsumikap jan…aasenso ka…oo lahat may bayad, meron kang tax,health insrance, car loan, food andd accomodation pero nasa pagbudget naman po yun…hindi naman cguro malaki pa ang utang mo sa monthly salary mo…just live a simple life and live below your means…daming oportunity sa US kung magaling ka lang magdiskarte at tsaka pwede kang mag extra job or overtime jan..dagdag income pa rin yun, nasa attitude po ng tao yun kabayan. Kahit saang bansa ka pupunta, kung gusto mo mag asenso dapat financially literate ka..

  7. Belle says:

    Jesus is whom you need, because in Him there is contentment, peace,rest, happiness, love and you will always be thankful of what you have. Think that there are worst situation in some other part of the world that people are enduring right now, while we,on the other hands were just enjoying the fruit of our labor. Just be content and thankful of what you have, don’t shatter dreams of other people, because you are responsible to your own destiny anyway.

  8. Rolando Galman says:

    The author is putting a lot of colors about the life in the US. Even in the Philippines, you still have to work your ass to survive. Having a “katulong” is promoting slavery and unfair labor practice? Who pays the househelps fairly? Barely no one. So saying that “voice-activated coffee fix” bullshit is very demeaning and degrading to hardworking Filipino women who chose not be a social burden like you who lives in a Juan Tamad culture. Yes, it’s true that if you bring your retirement dollars to the Phils, you will live like a king. Wait until you get sick and the hospital bills will lick dry your funds including your rainy day account, and you will stink like shit.

    Let’s admit it. Our country sucks and hope is vague in the next 50 years at least. We only live once and “better” life is not something every Filo can have if you are not a filthy rich politician like Jinggoy and Bong Revilla, a talentless good looking movie actor or a born-rich fella.

    Therefore, life in America is everyone’s dream.

    • Sol says:

      Tama ka dyan, halos karamihan dito sa US ay umasensyo lalu na yung mga unang immigrant . As long as you know how to manage your monthly income and expenses and at the same time you will know how to invest your money you will have successful life in the US..Of course when you are a new arrival you will start from scratched and sacrificed a little bit to gain a solid foundation .

  9. T. 100 says:

    …e kahit saan naman ay kelangan magtrabaho para may makain at pambayad sa mga bills e. kung gastador ka talaga ay tiyak kulang ang sweldo mo. yung linyang ‘live below your means’ ay swak na swak sa kahit ano pang parte ng mundo ka nag ta-trabaho.

    • honesto says:

      I LOVE THE PHILIPPINES and I will forever be proud to be a pinay. I do, however, accept the fact that America has provided me a better future. Dito, hindi lang politician o anak mayaman ang mga umaasenso. minsan kahit hindi ka nakapag-college, may chance ka pa ring yumaman basta masikap ka lang magtrabaho. Sa Pilipinas ba possible yan? I think not. Honestly, I prefer a non-voice activated coffee maker. I don’t like the thought of enslaving people. The life you’ve described is the life of people who are either lazy or materialistic. Bottom line, as long as you’re willing to work hard and live within your means, everyone has the
      opportunity of becoming rich in America and that is something that will NEVER be possible in the Philippines.

      • I am a US immigrant who decided to come back.yes, I believe in American dream…just like everybody else I also dreamt of living there..just wait until you live there for a couple of months and find out for yourself..the fun is here..Money alone will not make you happy…after a period of discernment..we decided to come back home..where we can live a simple…no credit whatsoever..Always remember that in the US..PEOPLE LIVE TO WORK..while us in the Philippines PEOPLE WORK TO LIVE..so where do you want to live now?

  10. catalina says:

    Yan ang buong katotohanan sa buhay america.ibang sitwasyon daw sabi ng iilan dyan. ipokreta/ipokreto ang karamihan atin. ibig kong sabihin in general tama parin ang sinabi ni John De La Crus whoever he is I salute you for being so truthful.

  11. Ellen says:

    I love my native land, the Philippines! and I’m very proud to be a pinay! But my life here in America is 110 % better than my life in the Philippines. Nakapag-aral ako ng nursing dito sa Amerika by working very hard and student loan. I’ve been a nurse for 9 years, student loan paid off, bought a small house in a desirable area, and able to help my family in Pinas financially. Pag dyan Lang ako sa Pinas, I can’t live a life to the fullest. I live simple and able to save for the rainy days. Yong sinasabi sa Author, totoong buhay yan sa mga taong walang motivation, materialistic and spend over their means.

    • Ztin says:

      Agree dito sa abroad you can be whatever you wanted to be as you can study pay later …sa pinas yung may mga magulang lng na government employee ang makaavail or if you have a guarantor pag mahirap ka kahit na matalino ka at scholar but you don’t have the financial capacity enough to support your daily allowances wala pa din mangyayari….pero there’s always a way pa din nmn kung gugustuhin..industry+ hardwork+ faith in God’s guidance will bring you some remarkable future.

  12. Rola says:

    Sa halos lahat ng sinabi mo, sang-ayon ako. I know na ang gusto mo lang iparating sa mga kababayan natin na may ganitong sitwasyon na nangyayari kapag nasa abroad, kaya sana maintindihan naman ng mga nasa Pilipinas na hindi ganoon kadaling magpadala ng pera. May mga masasaya na nasa abroad mayroon ding nalulungkot so siguro ang pinakamaitutulong sana naman ng mga kamag-anak na nasa Pilipinas kahit emotional support man lang.

  13. Eva says:

    Ang masabi ko Lang tama ka sa sinabi mo pero dito gumanda ang buhay ko nakapagbakasyon napa graduate ko anak ko magna cumlaude pa Kasi pedi mag student loan land of apportunity ang america pero kailangan magtipid at budget kailangan magsave para sa pag tanda natin I love Philippines at america💐

  14. hanga ako sayo atnaintindihan kita…pero ang trabaho na makikita natin doon sa America wala dito sa Pililpinas.mahirap kaman don pero may trabaho ka naman at hindi mo maranasa na walang laman sikmura mo.at kahit iniwan natin mahal natin sa buhay dito masakit man pero ang katumbas naman ay maganda ang kanilang buhay. Dito kasi sa Pinas pag sinabing mahirap mahirap ka talaga…so kahit mahirap at masakit na iiwanan natin sla gagawin parin natin dahil mahal natin sla kung mabigyan ako ng pagkakataon magtrabaho dun at mamuhay gawin ko pa rin..pero bababalik at babablik pa rin ako sa Pinas.

  15. Gusto ko dito sa america. mas masaya ako dito kesa nung nasa pinas ako. 3 days lang akong nag wowork kada linggo. may sapat akong oras para makausap ang family ko sa pinas at makapag travel sa ibat’ ibang lugar. may sapat akong kita para mamuhay ako ng masagana at matulungan ko family ko sa pinas. di ko kelangang mag trabaho ng 5-6 days a week gaya nung nasa pinas pa ako tapos di sapat ang sahod ko kahit sa sarili kong pangangailangan. America ang katuparan ng mga pangarap ko sa buhay

  16. The credit card situation is solely your fault. These businesses will gladly accept cash. It’s your fault that you can’t wait to save for whatever it is that you want. The ” I want it now” attitude is very dangerous to anybody’s finances. If you will only buy your necessities with your credit card and pay it off every billing cycle then you won’t have a problem. Credit cards will only become a problem if you choose to buy things that you can’t afford to pay in cash at the end of every month. These credit card companies will gladly let you have high credit limit and rack up a bill to the point that you’re only able to pay the minimum required amount….after all they make money by charging interest on what you owe.

  17. Delia Sambrano says:

    Ung sister ko almost 19 years na siya sa US..ngaun umuwi siya dito Pinas..ibang iba na siya, hindi na siya ung ate ko na subrang bait dati..hnd na siya ung ate kong nag alaga sa akin, nag bagu ang kanyan attitude.. Sa awa ng diyos nakuha naman nya ang tatay q, ngaun ang tatay ko US citizen na.. Tapus ung tatay ko naman pinetitionan ako! Sa awa ng Dios nakapasa naman na ako sa interview.. I am IMMIGRANT VISA holder ng US..actually flight ko sa na last SEPTEMBER 2015. Pero nagbagu ang isip ko. Dahil sa ate ko. Napag isip-isip ko na wag na, anong silbi pa ng AMERICA kung mawawalay ka naman sa mahal mo sa buhay! May fiance na kasi ako at baby. Super dis appointed talaga ako sa ate ko, masyu na siyang matapubre. Kaya nag pasya talaga ako na ayaw ko nang pumunta ng america! Nagputsigi nalang ako na mag hanap ng trabahu dito sa pinas. Ee sa awa ng Dios ok nman na buhay namin dito kaya d ko na kailangan pang puntahan ang america! Kung pupunta man ako cguro Tour nalang, ayaw ko tumira dun..

    Share my expirience 😌

  18. Ang buhay ay parang gulong. Kung minsan, nasa itaas ka…kung minsan, nasa ibaba ka naman. Pero kapag ikaw ay marunong makipagsaparalan sa buhay, eh makaraus ka naman sa hirap sa USA. Maraming hirap ang maranasan mo sa buhay. Pero kapag ikaw ay masipag sa trabaho at hindi tamad…di marami ka ring maiipon. Huwag kang magpakita na mayaman ka kung wala ka naman. At palagi kang mag- ipon sa kinabukasan mo.Iiwasan mo ang sobrang gastos at magpasiklab sa mga kaibigan. Sa mga anak ng mga OFW’s o mga anak ng mga US citizens…isipin ninyo na nagkakandahirap ng trabaho ang parents ninyo. Kaya mag-ipon lamang. Pero ang higit sa lahat ay kailangan may natapos na kurso sa trabaho para mataas ang sueldo. Huwag kalimutan ang Maykapal sa buhay.

  19. Daydz says:

    Kahit saan ang tao may advatages at disadvantages. Dati marami ako naririnig na gusto mag retiro sa Pilipinas. Pero ang Pilipinas ngayon ay ibang-iba na. Kahit Pilipino ka, hindi ka safe sa sarili mong bansa. Dahil ang sistema sa Pilipinas ay napaka bulok. Lahat nalang pera-pera. Kurap na Gubyerno. Pauwi ka palang sa Airport, kabado kana, baka matamnan ka ng bala sa bagahe mo or mawalan ka ng wallet sa conveyor. Minsan mailap pa katarungan dahil tanging mga Camera na nga lang pag-asa mo sa airport, kesyo hindi pa daw gumagana. Mag-aasikaso ngalang sa mga ahensiya ng gubyerno katulad sa pag renew ng passport sa DFA, pension sa SSS, Philhealth, Pag-Ibig, LTO etc. ay napakabagal, pabalik-balikin ka at parang pinapahirap pa lalo ng empleyado ng gubyerno ang sistema pag wala kang kakilala or koneksiyon. At sa mga Pilipino nasanay na magmaneho sa Amerika takot na magmaneho dito sa Pilipinas, paano, unahan ang ulo ng mga sasakyan, hindi ka uusad kung sobrang mapagbigay ka, ang mga motorsiklo basta-basta nalang lumulusot, kaya karamihan sila ang madalas maaksidente sa daan, kung sino ang nasaktan siya ang walang kasalanan or kung sino ang may koneksiyon siya ang inaayunan. Sa nangyayaring hindi pagkakaintindihan ng China at Pilipinas, maigi na, huwag na muna umuwi sa Pilipinas, dahil walang kapasidad ang Pilipinas ipagtanggol ang sariling bansa. Kung mag-bi-business ka naman. Sa dami ng gastos sa pagkuha ng business permit, lisensiya at mga fees sa mga requirements at tax na binabayaran mo sa gubyerno, hindi mo alam, kung kailan ka makakabawi sa pinuhunan mo. Minsan mas madami sumusuko, or saktong nakakaraos lang. Tanging karamihan (hindi lahat) malalaking businessman na kalahating Pinoy at kalahating chino ang yumayaman. Isa pa riyalidad sa Pilipinas, kung simpleng propesyonal ka lang na swelduhan or may maliit na business, wala kang kapasidad magpatayo ng bahay. Karamihan ng may malaking bahay sa Pilipinas ay mga Pulitiko, Abogado, Doctor at mga matagal ng balikbayan. Sa opinyon ko, kung wala kanarin lang pamilya sa Pilipinas na babalikan, ayoko na siguro umuwi sa Pilipinas. Pwera nalang aayos at lilines ang buong sistema ng bansa at matanggaL ang mga kurakot, kriminalidad at magkakaroon ng trabaho.

  20. JOE___Bagyo says:

    In my opinion….as per my experience 15 years sa Middle East and 3 yrs. sa America?!.d mo mccc ung PinoY at kababayan ntin??..d nila ntikman mag abroad kc limitado ung thinking nila about going out of the country?! (Why)B-COZ lack of knowledge resources education and lack of confidence…..If ever nsa abroad ka talaga nmn malaki ang kinikita ng OFW , MIRAGNTE or CITIZENS of US, kumpara sa kinikita sa Pinas,The best thing is complaining on each other and let’s share the blessings na Lang ipatikim mo ung de lata( SPAM)mga Damit Sapatos at Bag na d nila kaya bilhin sa Pinas….

  21. Boknoy says:

    Bawat isa may kanya kanyang pananaw sa buhay, ito lang masasabi ko, Bilang isang Nurse, sa Pilipinas tatanda ka lang at mamatay ka lang sa kakakayod di ka mag kakabahay ng maganda at magkakakotse man manlang, iyan kung base lang sa sahod mo bilang isang nurae, magloloan ka tamang tama lang mapupunta sa unang pangangailangan mo like food, bills water , phone etch. AT least sa America and utang mo may mapapala ka sa bandang huli, e sa Pilipinas wala. Kahit saan naman nasa sayo nakasalalay ang financial status mo, kahit sa Pilipinas o kahit saan man kung hindi ka marunong himawak ng pera mo mababaon ka rin sa utang, gumastos lang ng naayon sa kakahyahan para di mag kautang….huwag maging mayabang lara lang sabihin ng ibang tao na mayaman ka…yon lang

  22. Denise says:

    Hindi lahat ng nasa America eh ganyan ang buhay. Sa awa ng Diyos, bayad na ang aming bahay at sa ngayon eh wala kaming binabayaran na sasakyan. Ang bahay namin eh nabayaran namin ng 9 years lang dahil nabubuhay kami ng kung ano ang kaya namin. Nagbabakasyon kami every year, twice a year na walang utang dahil WE LIVE WITHIN OUR MEANS! Kahit hindi kalakihan ang aming bahay eh sarili na namin, wala kaming utang. Sure, my husband and I work hard because we want our kids to have the opportunity to go to college someday. We live life to the fullest… we work hard but we play harder! Ang sa akin lang, kung ano ang kaya mong gastusin, yong ang gastusin mo. Hindi mo kailangang umutang ng marami….just my thought :)!

  23. ruel says:

    There’s truth to this pero hindi lahat ng nandirito eh ganyan ang buhay.

    Una sa lahat, kahit saang bansa kp mgpunta, mawawala ang filipino values mo kung hahayaan mo itong mwla. You dont lose your filipino values just bc you are here in america. You will lose it when you let it happen.

    Secondly, you will save a lot of money if you will make more than what you need and/or you dont spend more than what you make.

    Ang mkpunta at mkpgtrabaho dito sa amerika is an opportunity to make your life so much better. It all depends on how you will make it happen. So, be grateful!

  24. Kung mas maganda sa Pilipinas kaysa US, bakit ang haba ng pila sa US Embassy na gustong makapagTNT sa US.

    Sa US puro dahil maraming available na trabaho. Sa Pilipinas gustuhin mo man magtrabaho, wala naman available na trabaho.

    Sa US Credit Card ang laging gamit dahil alam nila na may pambayad ka. Sa Pilipinas mahirap magkaroon ng Credit Card dahil walang pambayad at kadalasan tatakbuhan ka. 70 percent ang mga kaso as mga husagado sa Pilipinas ay dahil sa utang.

    Sa US at least may Hollywood, NBA, Disneyland kung gustong mamasyal at ma-entertain. Sa Pinas wala yun at kung gusto mong ma-entertain sa kanto ka makipag-tsismisan o makipag-inuman. O kaya manood ka na lang ng Telenovela na walang hanggang iyakan.

    Ang mga Filipino Nurses sa US ay very common na ang kotse ay BMW, Mercedes Benz, Lexus or Corvette. Kahit mga company executives sa Pilipinas bihira ang may ganyang kotse. Ang mga nuses sa Pilipinas almost minimum ang suweldo ($10 per day) sa US aabot ng $60.00 per HOUR!!

    Ngayon sabay ang election ng US at Pilipinas. Sa US hanggang policy debates lang, sa Pilipinas patayan, demolition job at dayaan. Last January 2916 nag-start ang body counting sa mga election related killings.

    Sa US malinis ang mga pagkain, sa PINAS PAGPAG ay kinakain.

    The truth hurts but that’s the truth. Maganda ang mga isla sa Pilipinas, beautiful beaches, great bio diversity etc.. except ang mga Homo Sapiens na nakatira!! Sila ang salot!!

    • t_t_nue says:

      hindi mo na gets ang ibig nya sabihin.. tama naman sya! ako tiga U.S din.. I’m from Los Angeles California pero agree ako sa sinabi nya. the quality of life in the PH is much better in the U.S c’mon man, open your eyes, dami pa rin descrimination d2 sa U.S. isa ka sa mga nasilaw sa america.. agree ako sa ibang mga sinabi mo na dali mka credit card kasi dami ka opportunity mka wrk d2.. uing mga nurses na sinasabi mo na common na sa kanila ang me MERCEDES at BMW, do you know how many hours they work and their job description? they almost live in the hospital kasi baon sila sa utang. tell me is not true..? they work double shift minsan, bottom line is..kung me naipon ka na at young age mo over 50.. mas maganda ang buhay sa pinas.. I will be back soon (expat) to my home country.. the grass is NOT always greener on the other side.. after all, maski sa U.S ka man.. you are still a pinoy and the white man will treat you as such!

      • ed says:

        TAMA KA DIYAN ! DITO SA CANADACOMMON DIN ANG BMW JAGUAR (EXPENSIVE CAR) ….ETC.EVERYBODY COULD AFFORD TO BUY 1 REGARDLESS WHAT KIND OF PROFESSION U HAVE DAHIL LAHAT AY UTANG ! JUST LIKE WHAT U SAID WORKING DOUBLE SHIFT PARA LANG MAKABAYAD SA MGA UTANG .ANO BA NAMAN YAN MGA KABABAYAN KONTING PAKUMBABA NAKAPUNTA LANG TAYO SA ABROAD MASYADO NG MATAAS ANG LIPAD !!! ANG DAMI KAYA DITO SA TORONTO.MABUHAY ANG PILIPINAS!! !!

  25. Seph says:

    I am a U.S. citizen for the past 32 years and I am very happy here in America. When my family first arrived in the U.S. we decided rather than spend our money, save as much of it as we can. So, we used cash not credit cards that way we never over spend. Credit and loans are not the only ones that can give you a good credit score there are other ways to get a good credit score. Rather than buying a car, we rode the bus, train, carpool, or in my case rode my bicycle to work. My first car was a used car worth $300 and my insurance was bare minimum requirement. I only work one job at a time and I never work double shift the whole time I was here and I still save a lot of money. As for buying a house, my family stayed in apartments for 20 years, why because you get free stuff from the US government. Like a grant for college for your kids, if you own a house worth more than $100,000 you don’t qualify. Now, because my family did not show off (Pabugal) we save more money. Now I’m retired, owe my own house, have four vehicles (1 SUV, 1 Jeep, and 2 sports cars), and traveled around the world four times. My 3 kids are very successful, all their college debt is paid, and each one has a black American Express card. Also, if I want to retire in the Philippines, I also have global health insurance; yes there are insurance companies in the US that will cover you anywhere in the world and I’m debt free.
    Here is the secret of making it in America. DO NOT SHOW OFF! Every time I meet a Filipino here, the first thing that comes out of their mouth is I have this big house in, look how expensive my car or my favorites look at my expensive stuff. When I ask them “how long have you been here in the U.S.?” the typical response is less than 10 years or I just arrived a few months ago. I have known hundreds of Filipino here in the U.S. mostly doctors, nurses, engineers, dentist, workers, and contract workers, I tell you all about 90% of them failed and went home broke or in debt that they can’t even return to the U.S. because they will be arrested. DO NOT SHOW OFF!

    • Luke says:

      Wow! I did the same. I arrived in America 11 yrs ago and I send part of my earnings to my family in the Phil, pay in cash, avoided buying a car, stayed in apartments and stayed away from the Filipino community in California and Texas. I got feed up just listening to them talk about all the expensive stuff they owned in every party I go to, at first I was impress, then I found out that most of it is paid in credit cards and most of them are broke or up to their necks in debt. So, I move to Texas, went back to college to get my engineering certification, work, and save. Now 11 yrs later, I just bought a house because my family finally joined me and my car is a used ford explorer worth $3000. I also ask for advise from my American and Chinese friends on how to buy a house without getting a headache or destroying my savings. I still work one job, single shift, go out on weekends with the family or friends, own a good home, and almost debt free except for the house my only debt. So, yes I agree Not Showing Off is the secret of making it here in America. By the way, I paid 30% of the house price when I closed, So my house payment is only $800 a month. This is prime, interest and escrow payment combine.

  26. Simple Lang says:

    I retired at 38 from the military and now work for the US Govt. No credit card debt. When I use credit card, I pay off balance in full when I get the bill. House is almost paid off. No luxury cars, Just a Toyota Tacoma, Scion XB and a daily beater PT Cruiser for work. No car payments. Maintain my cars, I know basic maintenance and change the oil myself to save money. Son in college. Have 2 bank accounts with stable/enough emergency funds, a well-funded govt retirement account, and 2 monthly pensions. Works Mon-Fri only, 8 hrs/day, 40 hrs a week. No sweat, no need overtime. Will retire with 4 monthly checks at 57 plus Social Security pension in the future. Son in college.
    Wife stays home, no need to work. We have excellent medical, dental, home, car and life insurance coverage. Life is very good. Started working at 18 in 1987, HS graduate, I have been working since 1987. Never laid off, excellent work ethic but I relax and enjoy life out of the workplace. Can vacation anytime and buy what I want or need with cash. No vices, I drink occasionally only. Work hard, save, do not gamble, take care of yourself and family, respect others, live within your means and enjoy life. I AM HAPPY AND MY FAMILY IS HAPPY. NO MONEY WORRIES. DO NOT SHOW OFF, IN FACT, PRETEND YOU DO NOT HAVE MONEY PARA HINDI KA MAUTANGAN! BE SMART. READ ‘THE MILLIONAIRE NEXT DOOR’ FOLKS AND LEARN.
    I only have 3 years of college under my belt and never graduated college but I make more money than a person with a Master’s or PHD because I worked hard for 20 years straight, RETIRED AT 38 and now just work at a cushy job. No need to work OT, no stress and a routine job now. Plenty of holidays off and vacation time. Now, tell me, is above possible in the Philippines?? I do not think so kaya nga maraming OFWs. It is still possible here in USA. American Dream is alive and well folks for those who are willing to work hard and save!!
    Do not complain, take action. Live simply within your means. Keep things simple and huwag masyadong maraming hinahanap. Mga nagkakamali e iyong masyadong maraming hinahanap o puro yabang. Once you are financially stable, you have freedom and can live anywhere in the world.

  27. Kung ayaw mo sa Amerika eh di bumalik ka sa Pilipinas!!

    Malaki ang pagkakaiba kung nakatira ka sa US na RICHEST COUNTRY IN THE WORLD kaysa sa Pilipinas na SICK MAN OF ASIA!!

    May Credit Card ka sa Amerika dahil may pambayad ang mga tao, for convenience at ugali ng mga US citizens ang magbayad ng utang …… sa Pilipinas 85 percent ang mga kaso sa mga korte ay dahil sa paniningil ng utang.

    Sa amerika madaling bumili ng kotse dahil mura. Kung wala kotse ang daming bus na puwedeng sakyan. At kung senior citizen ka at di ka makapag-drive puwede kang susunduin ng bus sa bahay mo at ihahatid ka ng libre (parang door to door) …………… sa Pilipinas di ka isasakay ng mga bus dahil nakaka-abala ka dahil mabagal kang umakyat at bumaba!! Wala pa akong nakita sa Amerika na naglalakad ng milya-milya!! Sa MRT sa gitna ng riles may naglalakad.

    Sa Amerika kung gusto mong mag-relax nandiyan ang Disneyland , Seaworld , Six Flags , Universal Studios, NBA, Hollywood movies at iba ……………….. sa Pilipinas dahil wala ganito, mapipilitan ka na lang manood ng Telenovela na walang hanggang iyakan o hindi naman kaya punta ka sa kapitbahay at makipagtsismisan.
    pinangbayad sa ticket.

    Madali ang magkaroon ng bahay sa Amerika dahil may mga programa ng US government na socialized housing para sa mga low income groups, single parents at iba pa. Sa Pilipinas wala yan, at ang masama ninakaw pa ang pondo ng gobiyerno sa housing.

    Sa Amerika ,maganda ang bahay at kotse mo dahil may pambili ka ………….. sa Pilipinas pambili lang ng masarap na ulam ay mahihirapan ka na. Kailan ka ba nakapagpulutan ng Steak or Roast Beef sa Pilipinas?

    Sa amerika madaling makapasok sa trabaho, high school gradute lang puwede nang Manager ng banko …….. sa Pilipinas kung wala kang kapit, lalo na sa gobiyerno, di ka mapapasok ng trabaho. College graduate sa Pilipinas, taga supot sa Shoe Mart!!

    Sa Amerika puwede mong iwanan ang iyong bag at cellphone at di mawawala …… Sa Pilipinas may salisi gang at isnatser.

    “Pero pag retired ka na at dala mo dolyar mo sa Pilipinas mas maganda lalo kung palainum ka ng kape. Dun sa Pinas, voice activated ang coffee maker. Mag salita ka lang ng “Inday, kape nga dyan!” Lumalapit ang kape sa iyo at alam na alam pa nga timpla mo!”

    ……… Gawin mo ang ginagawa mo kay Inday sa Amerika at tiyak na makukulong ka!! Bawal ang diskriminasyon sa Amerika!! Lahat ay pantay-pantay regardless of race, ancestry, religion, skin color, education etc. etc..

    Anong masasabi mo kabayan….. …totoo di ba? Sige uwi na sa Pilipinas …… ang bayan ng mga magnanakaw!!!!

  28. Yung mga ayaw sa Amerika eh di bumalik kayo sa Pilipinas!!

    Malaki ang pagkakaiba kung nakatira ka sa US na RICHEST COUNTRY IN THE WORLD kaysa sa Pilipinas na SICK MAN OF ASIA!!

    May Credit Card ka sa Amerika dahil may pambayad ang mga tao, for convenience at ugali ng mga US citizens ang magbayad ng utang …… sa Pilipinas 85 percent ang mga kaso sa mga korte ay dahil sa paniningil ng utang.

    Sa amerika madaling bumili ng kotse dahil mura. Kung wala kang kotse ang daming bus na puwedeng sakyan. At kung senior citizen ka at di ka makalakad puwede kang susunduin ng bus sa bahay mo at ihahatid ka ng libre (parang door to door) …………… sa Pilipinas kung matanda ka na di ka isasakay ng mga bus dahil nakaka-abala ka dahil mabagal kang umakyat at bumaba!! Wala pa akong nakita sa Amerika na naglalakad ng milya-milya!! Sa MRT sa gitna ng riles may naglalakad.

    Sa Amerika kung gusto mong mag-relax nandiyan ang Disneyland , Seaworld , Six Flags , Universal Studios, NBA, Hollywood movies at iba ……………….. sa Pilipinas dahil walang ganito, mapipilitan ka na lang manood ng Telenovela na walang hanggang iyakan o hindi naman kaya punta ka sa kapitbahay at makipagtsismisan.

    Madali ang magkaroon ng bahay sa Amerika dahil may mga programa ng US government na socialized housing para sa mga low income groups, single parents at iba pa. Sa Pilipinas wala yan, at ang masama ninakaw pa ang pondo ng gobiyerno sa housing. Tanungin niyo si Senator Villar.

    Sa Amerika ,maganda ang bahay at kotse mo dahil may pambili ka ………….. sa Pilipinas pambili lang ng masarap na ulam ay mahihirapan ka na. Kailan ka ba nakapagpulutan ng Steak or Roast Beef sa Pilipinas?

    Sa amerika madaling makapasok sa trabaho, high school gradute lang puwede nang Manager ng banko …….. sa Pilipinas kung wala kang kapit, lalo na sa gobiyerno, di ka mapapasok ng trabaho. College graduate sa Pilipinas, taga supot sa Shoe Mart!!

    Sa Amerika puwede mong iwanan ang iyong bag at cellphone at di mawawala …… Sa Pilipinas may salisi gang at isnatser.

    Sa Amerika pag nag nagkasakit ka walang tanong-tanong admit ka agad sa ospital at palalabasin ka lang pag okey ka na. Sa Pilipinas pag wala kang pang down sa hospital di ka tatanggapin at mamatay ka na lang dahil you are refused treatment. What a way to die in a forsaken country!!

    “Pero pag retired ka na at dala mo dolyar mo sa Pilipinas mas maganda lalo kung palainum ka ng kape. Dun sa Pinas, voice activated ang coffee maker. Mag salita ka lang ng “Inday, kape nga dyan!” Lumalapit ang kape sa iyo at alam na alam pa nga timpla mo!”

    ……… Gawin mo ang ginagawa mo kay Inday sa Amerika at tiyak na makukulong ka!! Bawal ang diskriminasyon sa Amerika!! Lahat ay pantay-pantay regardless of race, ancestry, religion, skin color, education etc. etc.. Sa Pilipinas lahat ng salita may Sir at Mam, sa Amerika tawagin mo ang boss mo sa kanyang first name lang like Joe or John.

    Anong masasabi mo kabayan….. …totoo di ba? Sige uwi na sa Pilipinas …… ang bayan ng mga mandaraya at magnanakaw!!!! Sa Pilipinas di lang pera ang ninanakaw, pati karapatan ninanakaw din, gaya ng karapatan mong pumili ng mamuno ng gobiyerno!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s